“One of the main drivers of our push for growth and employment will be in the agricultural sector.
With regard to food supply, we are confronted by a two-pronged problem: that which will hit us in the short term and that which will hit us in the long term.
Tayo ay nahaharap sa mga problemang kagyat nating mararamdaman, at mga hamong pang-matagalan.
Ang mga suliraning agarang mararamdaman ng ating mga kababayan ay ang posibilidad ng tuloy-tuloy na pagsipa ng presyo ng pagkain at kakulangan sa suplay ng ating pagkain.
Upang masuportahan ang mga mamimili para mapanatili ang kanilang purchasing power o kapangyarihan sa pagbili, isinapinal ng Department of Agriculture ang planong taasan ang produksyon sa susunod na panahon ng pagtatanim o planting season, sa pamamagitan ng tulong pinansiyal at teknikal.
Magbibigay tayo ng pautang, habang mas ilalapit natin sa sektor ng agrikultura ang hindi gaanong mahal na farm inputs na bibilhin na ng bulto ng gobyerno.
Kabilang dito ang abono, pestisidyo, mga punla, feeds, fuel subsidy at ayuda para sa mga karapat-dapat na benipisyaryo.
Para sa pang-matagalang solusyon: itataas natin ang produksyon ng mga kalakal at produktong pang-agrikultura. At para magawa ito, pagtitibayin natin ang tinatawag na value chain na nagsisimula sa mga magsasaka hanggang sa mga namimili.
May mga bahagi ng value chain na sa ngayon ay kanya-kanya ang operasyon. Pagtibayin natin ang koordinasyon ng iba’t ibang bahagi nito.
Ang pagsasaliksik para sa mga makabagong paraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng hayop ay masusing gagabayan ng Department of Agriculture.
Ang produksyon ng farm inputs o mga kakailanganin ng mga magsasaka sa pagpapalago ng kanilang sakahan ay ating i-aayon sa mga hamong dala ng climate change at global warming.
Mahigpit na pagsusuri ang gagawin ng ating mga eksperto tungo dito. Ang mga pautang at financial assistance sa mga magbubukid at mangingisda ay magiging institusyon at patakaran ng aking administrasyon. [applause]
Ipaprayoridad natin ang modernisasyon ng mga sakahan sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya para sa ating mga magsasaka. Ating palalawakin ang mga palaisdaan, babuyan at manukan. Lahat ng ito, gagamitan ng siyensya para tumaas ang produksyong agrikultural. [applause]
Maging ang post-production at processing ay susuportahan ng pamahalaan.
Gagawa tayo ng national network ng farm-to-market roads upang mas mabilis na mailakbay ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga pamilihan.
At gagawa tayo ng mga paraan upang maramdaman ng mga mamimili ang pagluluwag ng presyo ng mga produktong pagkain sa kayang halaga, gaya ng muling pagbubuhay ng mga Kadiwa Centers.
Hindi ito magagawa sa isang araw, hindi magagawa sa isang buwan, o isang taon lamang.
Ngunit kailangan na natin simulan NGAYON. “