Masaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiya!

FROM RMN: Mga Mangingisdang naapektuhan ng fish kill sa Dagupan City, tumanggap ng indemnity checks

Author: DA Press Office | 2 May 2022

Natanggap na ng mga mangingisda sa Dagupan City na naapektuhan ng isolated fish kills noong nakaraang taon ang kanilang indemnity checks.

Nasa 14 mangingisda mula sa Barangay Pugaro at Salapingao ang nabigyan nito mula sa lokal na pamahalaan at Philippine Crop Insurance Corporation.

Bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng P17,000 hanggang P24,000, depende sa validation at assessment ng PCIC sa bawat apektadong fish cages.

Hinikayat ng lokal na pamahalaan na magparehistro ang mga ito sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng national government at insurance policy ng PCIC upang maging insured.

Ayon kay Emma Molina, technical consultant ng City Agriculture Office, nasa humigit kumulang 10,000 fisherfolks at farmers ng siyudad ang rehistrado na sa RSBA. | ifmnews

Source: https://rmn.ph/mga-mangingisdang-naapektuhan-ng-fish-kill-sa-dagupan-city-tumanggap-ng-indemnity-checks/

Back to Archives