Masaganang Agrikultura, Maunlad na Ekonomiya!

DA may 2% interest loan pambili ng hauling truck

Author: DA-AFID | 22 April 2019

Sa mga magsasaka na nagkakaproblema kung paano hakutin ang kanilang palay tungo sa buying stations ng National Food Authority (NFA), puede po kayo makapag loan ng pambili ng truck mula sa Department of Agriculture.

Ang mga kooperatiba, irrigators’ association o small water impounding irrigators association ay magbabayad lamang ng 2% interest bawat taon sa loob ng 8 taon.

Ang pautang na ito ay walang kolateral at madaling makuha dahil ito ay tulong ng ating gobyerno sa mga magsasaka ng palay.

Makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng Department of Agriculture sa inyong rehiyon at hanapin ang loan officer ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

Kung meron po kayong katanungan, puede nyong iparating sa akin sa pamamagitan ng Facebook page na ito.

Manny Piñol
Kalihim ng Agrikultura

 

(Article taken from the Official FB Page of DA Secretary Manny Piñol)

Back to Archives